Wednesday, June 24, 2009

Si Malakas, at si Maganda.. bowwwwww..

well, si 28 at 43.. "15" years age gap.. ano na ang nangyari.. mama mia.. Grabeeeeeee..

well, isa na namang magulong yugto ng buhay ni 43, anu ba yan! di na ba nakabawi sa gilo, puro na lang gulo si 43, kaya naman puro na lang siya sakit ng ulo.. mama mia..

si 28 naman, parang kondanata na rin sa sitwasyong pinangyarihan.. di na malaman at parang hilong talilong na walang masuotan.. kasi naman ang mga tsismosa'y araw araw nang nakaabang.. nagkakalat, nakamulagat, sa bawat kilos at galaw nitong si 28.. mama mia, anu ba yan? grabeeeeee..

Hindi na ito bago.. at lalo namang hindi luma.. pero ang di ko mawari, eh bakit pinagugulo pang lalo... ng unang unang dapat mangalaga.. pero ano? siya pa ang nagbibilad sa madlang people.. yucks.. anog klaseng protektor ka.. ikaw na inaasahan, ikaw pa ang naninira, at nagdadadakdak sa karamihan ng tao.. ikaw ang nagbibilad ng kahihiyang aanihin ng iyong anak.. mama mia.. anung klaseng animal ka sa mundong ito??? masahol ka pa sa ahas, sa buwaya, at sa kalahi mong gorilya.. wala kang kasingsama.. kaya huwag kang magtaka kung lahat ng tao sa yo ay naglalayuan, kasi nga plastic kang makisama sa lahat, at makasarili kang tao.. kung tao ka nga...


anyway.. this my be the last, it could be the worse too.. but never be the false.. but it is the TRUE.. hehehehe... mama mia grabeeeeee... intindi mo po ba? dakilang mananaliksik at mambabasa ng mga istoryang walang kakwenta kwenta.. mga kwento ng buhay na walang katapusang problema sa araw araw na takbo ng Life na tinatawag..

Hay 28, kumusta ka na, nakatulog ka ba ng ayos kagabi, o iniisip mo na naman ang mga problemang nadinig sa pinagdaanang araw? grabeeeee.. sabi ko sa yo, hayaan mo na.. Que sera, sera.. what ever will be, will be.. ganun na lang ang isipin mo, at huwag mag-expect ng sobra sa inaasahan mo, at nang di masiraan ng ulo sa sobrang pag-asa sa walang kasiguraduhang buhay natin dito sa mundo.. keep it up.. magsaya ka hanggang kaya mo pa, ganyan talaga ang buhay.. hindi lahat ng ating ninanais eh siyang nangyayari.. at hindi lahat ng ating inaasahang tao eh makakatulong sa atin, bagkus, at manapa'y siya pang sumisira na tulad sa isang kalawang na dumapo sa bakal.. ganun!!! ganun ang life here on earth.. kaya as i've told you.. Be Strong.. Be Brave.. kasi kapag mahina ka.. kawawa ka lang sa mundong ito.. Getz mo ba un?

anyway.. what ever happen, just pray it all to god na sana eh makaraos at malampasan pa nating lahat ang mga pagsubok na ito sa ating buhay.. nang sa ganun eh humayo tayong mapayapa sa ating patutunguhan, nang may ngiti at ligaya sa ating mga pisngi at puso..

Miz ka na ni 43, aling 28.. ingat ka sa iyong paglakad sa takbo ng buhay at sadyang napakasalimuot ng takbo ng buhay na nitong aming ASO at PUSA.. grabeeeeeeee...

ciao.. ciao...